(AMAS, Kidapawan City/ August 10, 2015) –
Abut-abot ang pasasalamat ng mga opisyal at mga residente ng 7 barangay sa
munisipyo ng Tulunan, Cotabato matapos
ang sunod-sunod na turnover of projects
kahapon.
Kabilang sa naturang mga barangay ang
Tuburan, New Panay, Bagumbayan, F. Cajelo, New Culasi, Bunawan at Damawatu na
nabigyan ng tig-iisang covered
court.
Abot sa P2M ang halaga ng kada covered court
o kabuuang P14M na pinondohan ng national government sa inisyatiba ng Trade
Union Congress of the Philippines o
TUCP at ng Provincial Government of Cotabato
bilang project implementer.
Mismong si Cot Governor Emmylou “Lala” J.
Taliño-Mendoza ang nanguna sa turnover
ng naturang mga proyekto kung saan pormal na
tinanggap ng mga local
officials ang mga covered courts sa
kani-kanilang barangay kasama ang kanilang mga konstituwente.
Ayon kay Gov Taliño-Mendoza, naisakatuparan
ang mga proyekto dahil sa maayos at mahusay na koordinasyon at kooperasyon ng Provincial Government of Cot, TUCP at ng
national government.
Layon ng
gobernadora na
makapagpatupad pa ng karagdagang
mga proyektong imprastruktura mula sa
pondo ng
provincial government at sa
tulong na rin ng TUCP.
Kasama ni Gov Taliño-Mendoza sa turnovers ng
mga covered court si 3rd District of
Cotabato Representative Jose “Ping”
Tejada na katuwang sa pagpapatupad ng iba’t-ibang proyekto sa mga
barangay.
Kasama din sa turnover sina 3rd District of
Cot Board Members Jomar Cerebo at Ivy Dalumpines na nagpahayag ng pasasalamat
sa gobernadora at sa kongresista dahil sa pagsisikap na mapaunlad ang distrito.
Nagpahayag din ng taus-pusong pasasalamat
ang mga chairman ng 7 barangay na
kinabibilanganb nina Crispin Fajurano ng
Barangay Tuburan, Oscar Silvestre, Sr.
ng New Panay, Ricardo Herosa ng
Bagumbayan, Lamberto Porlas, Jr. ng F. Cajelo, Eliezer Ventura ng New Culasi,
John Gregorio ng New Bunawan at Rudy f. Pagdatu ng Damawatu.
Nagkakaisang ipinahayag ng mga ito na tunay
na kapaki-pakinabang ang mga proyektong ipinagkaloob sa kanila ni Gov
Taliño-Mendoza at pinasalamatan ang gobernadora sa pagsisikap nitong maibigay
mga makabuluhang proyekto sa ngalan ng “Serbisyong Totoo”. (JIMMY STA. CRUZ-PGO
Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento