(Kabacan, North Cotabato/ August 14,
2015) ---Iginiit ng may-ari ng Fashionista Bar sa USM Avenue Brgy. Poblacion sa
bayan ng Kabacan na paninira lamang sa kanyang negosyo ang mga reklamong
ipinapaabot sa kanyang inuman.
Ayon kay Magdalena Limos ang may-ari
ng nasabing inuman sa panayam ng DXVL News Team, na sinusunod niya ang
ordinansa ng Brgy. Poblacion Council hinggil sa mga videokehan na kapag
lumalagpas na sa alas 10:00 ng gabi ay kanya na itong pinapahinaan.
Dahil sa lasing umano ang kanyang mga
kostumer kapag sumapit na ang nasabing oras ay kanya lamang umanong tina-timing
ang pagpapahina nito.
Sa katunayan ay nilagay na niya sa
loob ng kanyang videoke machine ang volume nito nang hindi na mapalakasan kapag
napahinaan na niya.
Nakapaskil din umano sa kanyang
establisyemento ang kopya ng nasabing ordinansa pati narin ang mga numero ng
mga kinauukulan kagaya ng Kabacan PNP kung sakali mang may gulong mangyayari.
Una rito ay nakatanggap ng reklamo
ang DXVL FM na maingay umano ang videokehan sa nasabing bar pagkalagpas ng alas
10 ng gabi kungsaan nakaka-perwisyo sa mga residente sa palibot ng nasabing
establisiemento. Mark Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento