Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

P13.1M infra-projects ipinagkaloob sa Pres. Roxas at Magpet

AMAS, Kidapawan City (Aug 10) – Abot sa P13.1M na infrastructure projects ang tinanggap ng apat na barangay sa Pres. Roxas at tatlong barangay sa Magpet sa sunud-sunod na turnovers noong August 9, 2015.

Sa Pres Roxas, kabilang ang Barangay Kimahuring na nabiyayaan ng isang P600,000 na multi-purpose building; Barangay F. Cajelo, Sagcungan at New Cebu na nabigyan ng tig-iisang covered court na nagkakahalaga ng P2M bawat isa.

Samantala, sa Magpet, kabilang ang Barangay Doles na nabigyan ng P500,000 water system at covered court na nagkakahalaga ng P2M; Alibayon at Tagbac na nabigyan din ng covered courts na tig-P2M ang halaga bawat isa.

Mula sa pondo ng Provincial Government of Cot ang ginamit sa multi-purpose building at water system habang nagmula naman sa pondo ng national government at sa inisyatiba ng Trade Union Congress of the Philippines ang lahat ng mga covered courts.

Abot sa P13.1M ang kabuuang halaga ng naturang mga proyekto.

Ang projects turnovers sa Pres Roxas at Magpet ay ginawa isang araw matapos ang turnover sa Tulunan noong August 8, 2015 kung saan pitong mga barangay ang nabigyan ng P14M halaga ng mga covered courts.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Gov Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza na layon ng kanyang administrasyon na maipatupad ang mga proyektong angkop sa pangangailangan ng mga tao tulad na lamang ng mga water systems, electrifications, infrastructures, health at marami pang iba.

Kasama ng gobernadora sa turnover sina 2nd District of Cotabato Board Members Airene Claire Pagal, Cris Cadungon at Noel Baynosa at mga Municipal Mayors na sina Jaime Mahimpit ng Magpet at Florenito Gonzaga ng Magpet at mga barangay officials.

Ipinahayag naman ng mga local officials na malaki ang ginhawang dulot ng mga proyekto sa kanilang mga barangay dahil natugunan nito ang ilan sa mga pangunahing pangangailangan.

Patunay rin daw ito na ang adbokasiya ng “Serbisyong Totoo” ay konkreto, nakikita at nararamdaman ng bawat mamamayan  . (JIMMY STA. CRUZ-PGO Media Center)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento