Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga probisiyong tinanggal ng ad hoc committee sa BBL, napag-usapan –LMT ng North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ August 13, 2015) ---Muling iginiit ng pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front o MILF na  malaki-laking usapan pa ang  mangyayari kung sakali mang hindi maibabalik ang ilang tinanggal na probisyon ng Bangsamoro Basic Law.

Ayon kay North Cotabato Local Monitoring Team Jabib Guiabar sa panayam ng DXVL News, kanyang iginiit na ang kanilang bersiyon ng BBL ang siyang dapat na ipasa at wala nang dapat tanggalin sa mga probisyon nito.

Napag-usapan na umano ito ng MILF at ng Government Peace Panel.


Kanyang ring pinasinungalingan ang pahayag ng ilang mambabatas na hindi ito naikonsulta sa kanila.

Anya, nagkaroon na umano ng mga serye ng konsultasyon sa mga kinauukulang tanggapan.

Hindi rin umano nila matatanggap ang bersiyon ng BBL ni Sen. Bong-bong Marcus.

Sariling kapakanan lang umano ang iniisip ng senador sapagkat ayaw nitong maipasa ang BBL sa panahon ng kasalukuyang administrasyon.

Hindi naman malinaw mula sa opisyal ang gagawing hakbang ng MILF kung sakali mang hindi maipapasa ang kanilang pinanghahawakang bersyon ng BBL.

Ginawa ng opisyal ang pahayag matapos na muling humihirit ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa liderato ng Kamara na maibalik ang lahat ng mga probisyong inalis ng House ad hoc committee on the Bangsamoro sa BBL.

Ayon kay House majority leader Neptali Gonzales, sumulat si MILF chief negotiator Mohager Iqbal kay House Speaker Feliciano Belmonte at maging kay ad hoc committee chairman Rufus Rodriguez.

Pero ayon kay Gonzales, nagpulong at nakabuo na ng consensus sina Rodriguez at ilang vice chairmen ng ad hoc committe na hindi mapapagbigyan ang kagustuhan ng MILF.

Sa ngayon, ang prayoridad umano ng Kamara ay ang mapagtibay ang BBL na ang mga probisyon ay alinsunod sa saligang batas.

Nauunawaan umano ni Gonzales ang sentimyento ni Iqbal pero nag-ugat umano ang problemang ito sa kabiguan ng peace panels ng dalawang panig ng kunsultahin ang Kongreso sa gitna noon ng negosasyon.

Giit naman ni Guiabar na kasinungalingan ang naging pahayag ni Gonzales. Rhoderick Beñez & Mark Anthony Pispis



0 comments:

Mag-post ng isang Komento