(Kabacan, North Cotabato/ August 10, 2015)
---Sinagot ng Kabacan Central Pilot Elementary School PTCA President ang
reklamo ng mga magulang, estudyante at ilang mga guro hinggil sa pagsasara ng
gate sa likod ng nasabing paaralan.
Sa panayam ng DXVL news inihayag ni PTCA
President Palot K. Dandayog na nasangguni umano sa PTCA general assembly noong
Agosto 1 ang pagsasara ng gate na nasa likod ng nasabing paaralan, partikular
sa Matalam St.
Nasangguni din umano ang pagsasara nito kay
baranggay Poblacion Kapitan Mike Remulta sa naganap na KCPES board of directors
meeting noong Hulyo 21. Napagkasunduan umano ng pangkalahatan na isarado ang
gate.
Pangunahing rason umano ng pagsasara ay ang
kaligtasan ng mga kabataan dahil nagkakaroon ng trapiko sa likod ng KCPES.
Dagdag pa ni Pres. Palot na mas mamo-monitor umano nila ang mga estudyante kung
iisa na lamang ang entrance at exit ng paaralan sa harapan ng KCPES.
Pangalawang rason umano ay ang kaligtasan ng
pagkain na nabibili ng mga estudyante. Inanyayahan din nila ang mga vendor na
nasa labas na magtinda na lamang sa loob ng paaralan para maiwasan ang
insidente ng pagkalason o food poisoning.
Dagdag pa ng opisyal na binigyan umano nila
ng palugit na hanggang katapusan ng buwan upang makapaghanda sa paglilipat sa
loob ng canteen ang mga nanininda. Christine
Limos
0 comments:
Mag-post ng isang Komento