Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Street lights ng Poblacion, Kabacan posibleng di pa maibabalik

(Kabacan, North Cotabato/ August 11, 2015) ---Posibleng matatagalan pa bago muling maibalik ang serbisyo ng street lights sa Poblacion ng Kabacan.

Ito dahil sa may natitira pang utang ang barangay na abot sa P259,000.00.

Ayon kay Kapitan Mike Remulta sa panayam ng DXVL News kanyang tinungo ang pamunuan ng Cotabato Electric Cooperative, Inc. o Cotelco kahapon.

Ang tugon ng kooperatiba, ibabalik ang linya ng street lights kung mag-MOA ang Barangay at ang Cotelco.

Pero ayon kay Kapitan Remulta, Malabo makapag-MOA sila sapagkat hindi makakaya ng pondo ng Poblacion ang buwanang bayarin na P40,000.00.

Napag-alaman na abot sa P600,000 ang utang ng nagdaang administrasyon sa Cotelco dahilan kung bakit pinutol ng kooperatiba ang serbisyo ng Street lights.

Dahil sa walang nakalaang pondo ang kasalukuyang administrasyon ng barangay para sa taong ito na pambayad ng utang sa street lights, nagpasaklolo ang mga ito sa LGU.

Agad namang nagpalabas ng pondo ang LGU na abot sa P300,000.00.


Ang nasabing halaga ay hindi sapat upang maibalik ang street lights, ayon kay Kapitan Remulta. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento