(USM, Kabacan, North Cotabato/ August
14, 2015) ---Pinasok ng mga di pa kilalang kawatan ang water laboratory ng
Department of Biology ng College of Arts and Sciences, USM Compound.
Ayon sa report ng Kabacan PNP, dakong
alas 7:30 na kahapon ng umaga nang matuklasan ng isang empleyado na kinilalang
si Julie Salasal, 48 anyos, dalaga, na residente ng USM Compound na nalooban na
ang nasabing laboratoryo.
Sinira umano ng mga kawatan ang glass
window ng nasabing opisina at sinira rin ang padlock.
Natangay ng mga suspek, isang unit na
Fisher Model Bacti-Cinerator at isang Microscope charger na patuloy pang
inaalam ang halaga.
Sa ngayon ay patuloy pang inaalam ng
Kabacan PNP ang nasabing insidente.
Nanawagan naman si CAS Dean Dr.
Evangeline Tangonan na kung maaari ay ibalik na lamang ang kinuhang parte ng
aparatu, sapagkat hindi naman ito pwedeng magamit para sa mga ordinaryong
gawain.
Maliban pa sa panganib na posibleng
idulot nito sa kalusugan lalo na kung hindi eksperto ang gagamit.
Ang naturang aparatu ay ginagamit sa
pamatay ng bacteria sa tubig na nakakasira ng parte ng katawan dahil sa taglay
nitong radiation.
Bukas ang himpilan ng DXVL FM radyo
ng bayan para sa inyong pagmamagandang loob na maibalik ito o di kayay etext
kami kung saan ninyo iiwan.
Sa panig naman ng Kabacan PNP, malaki
ang paniniwala nilang posibleng inside job ang nasabing insidente. Mark Anthony
Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento