(Kabacan, North Cotabato/ August 10, 2015)
---Puspusan na ang paghahanda ng LGU Kabacan para sa 68 Founding Anniversary ng
Bayan ng Kabacan.
Ito ay ayon kay Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. sa panayam ng
DXVL news.
Aniya, may iba’t ibang committee umano na
nakatalaga sa bawat event at asahan umano ng mga Kabaceño at mga mamamayan sa
karatig bayan ang mga programa at palabas na itatampok sa 68th
Founding Anniversary ng Kabacan.
Magsisimula ang Kapagayan 2015 Activities sa
August 13 at magtatapos sa August 18.
August 13 Activities ay sisimulan sa isang
Inter Faith Thanks Giving at susundan ng Opening Program kung saan magiging
guest speaker si Kidapawan City Vice Mayor Rodolfo Gantuangco.
May Jobs Fair
din sa municipal gym at Zumba challenge sa municipal plaza.
August 14 Activities, Dog fun run mula USM
hanggang Municipal Agriculture Office.
May Kasalan ng Bayan din at Baranggay
Day sa municipal plaza. Opening ng Agro Trade Fair, Inter Brgy. Basketball
Championship Game sa municipal gym.
Anti-rabbies vaccination, Agri-supply
distribution at Medical Dental Activity sa Health Center.
May Kabacan’s Voice
Kids din at Jessica Parker Show sa hapon sa municipal gym.
August 15 Activities, Drum and lyre competition
sa plaza, HPG Motocross sa Brgy. Pisan, HPG 10 ball billiard tournament, HPG
Tennis tournament sa Kabacan Tennis court, HPG Shootfest 2015 sa USM Firing
range, Teachers Day, Search for Miss Gay Persona sa municipal plaza 7PM.
August 16 Activities, Badminton tournament
sa municipal gym, Aaron Villaflor at Jordan Herrera Show 5PM sa municipal gym.
August 17 Activities, Burn the Floor hiphop
dance contest, at concierto sa plaza kasama ang Cueshe band 6PM.
August 18 Activities makiisa at saksihan ang
makulay na Grand parade alas sais ng umaga at susundan ng Anniversary program
kasama si Cotabato Gov. Emmylou Lala Taliño Mendoza bilang guest speaker. Christine Limos
0 comments:
Mag-post ng isang Komento