(Kabacan, North Cotabato/ August 10, 2015)
---Pinasinungalingan ng pamunuan ng Kabacan Land Transportation Office o LTO
District ang mga reklamo kaugnay sa sobrang panininingil ng LTO Kabacan sa mga
kliyente ng kanilang ahensya.
Sa panayam ng DXVL news inihayag ni Kabacan
LTO District head Ansari Sumpingan na walang katotohanan ang lahat ng reklamo
sa kanya.
Paliwanag pa ni Sumpingan na hindi totoo na
naniningil sila ng abot sa P3,500 pesos sa halip na P226 pesos sa plain
transfer ng sasakyan o ang ownership fee.
Ipinaliwanag rin ng opisyal na dalawang
klase kasi ang transfer transaction sa LTO.
Dagdag pa ni Sumpingan na kung may renewal
umano, ang babayaran ng kliyente ay ang renewal registration lamang ng
sasakyan.
Itinanggi rin ng kawani ang reklamo na
naniningil sila ng highway patrol clearance kung kaya’t umabot ng mahigit
tatlong libo ang binabayaran.
Ayon sa opisyal ay wala silang authority na
maningil ng highway patrol clearance at ang dapat na mainingil nito ay ang
highway patrol group ng PNP.
Samantala nilinaw din ni Sumpingan kung
magkano ang babayaran sa Student Permit o SP.
Batay sa ilang reklamo at sumbong na
ipinarating ng ilang mga kakunektado na nagtext sa DXVL Radyo ng Bayan kaya
malaki ang binabayaran nila sa LTO dahil sa mga fixers sa loob ng ahensiya.
Mariin namang pinabulanan ito ng opisyal.
Itinanggi rin ni Kabacan LTO head Sumpingan
ang reklamo na naniningil pa sila ng karagdagang 150 pesos kung magki-claim ng
bagong LTO plate number na walang resibo. Christine
Limos
0 comments:
Mag-post ng isang Komento