(Kidapawan City/ August 11, 2015) ---Bumuo
ngayon ng posisyon letter ang ilang mga Indigenous People o IP’s sa 2nd
District ng North Cotabato para harangan ang planung pagpapatanggal kay
congresswoman Nancy Catamco bilang Committee Chair ng Indigenous Cultural
Communities and Indigenous Peoples sa Camara de Representantes.
Ito ang naging tugon ng mga pangkat ng lumad
sa isinagawang IP congress sa Havanna Restaurant sa Kidapawan City kanina.
Anila, suportado pa rin nila si Catamco
dahil ang isinusulong ng opisyal ay ang kapakanan ng mga lumad.
Sa panayam ng DXVL News kay Mindanao
Indigenous People Conference for Peace and Development chairman Datu Lamberto
Delfin na ang nasabing pagtitipon ay ginawa ng grupo upang alamin at siysatin
ang ugat ng isyu sa UCCP-Haran sa Davao city kung papaanu napunta ang mga
katribu nilang lumad sa nasabing sanctuary.
Na ayon sa report ang nasabing mga katutubo
ay nagmula pa sa Talaingod at Kapalong ng Davao del Norte at ilang bahagi ng
bukidnon.
Ang nais lamang ni Catamco ay pauwiin na ang
mga katutubo sa UCCP-Haran na hindi maayos ang kalagayan ng mga ito.
Dahil sa panghihimasok ng kongresista,
nasangkot ito sa kontrobesyal na usapin matapos itong insultuhin at pauwiin ang
halos isang libong mga katutubo na halos tatlong buwan na ring nakikisilong sa
UCCP, Haran dahil sa pang-aabuso at presensya umano ng mga militar sa kanilang
lugar.
Kaugnay nito, haharangan ng grupo ng mga
lumad sa probinsiya ang planung ipatanggal bilang IP Chair si Catamco ng Secretary
General ng Katribu na si Piya Malayao.
Ayon sa kanya, nanganganib raw ang buhay ng
mga ito kung mananatili pa bilang IP chair ang kongresista.
Dahil dito, nagpasa na ang nasabing grupo ng
kanilang petisyon kay House of Representative Speaker Feliciano Belmonte na
ipatanggal si Catamco Bilang Committe head ng IP at paimbestigahan rin umano
ang kanyang pag-uugali sa House Ethics Committee. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento