Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Extemporaneous speech contest kaugnay ng National Disaster Consciousness Month, isasagawa sa Kidapawan City ngayong araw

(Kidapawan City/ July 30, 2014) ---Isasagawa na ngayong araw ang extemporaneous speech contest kungsaan tampok ang mga high school students mula sa iba’t-ibang pampubliko at pribadong paaralan ang kalahok sa nasabing patimpalak na gagawin sa Kidapawan City.

Ayon kay Cot. Provincial Disaster Risk Reduction and Management Operations Center Head Cynthia Ortega, ang naturang paligsahan ay bahagi ng mga nakalatag na aktibidad kaugnay sa National Disaster Consciousness Month.

Sinabi pa ng opisyal na layon ng paligsahang ito na maipaunawa sa mga kabataan ang kahalagahan ng pangangalaga ng kalikasan at maging bahagi sila sa mga hakbang ng pamahalaan kaugnay ng disaster awareness and preparedness.

Dagdag pa ni Ortega na malaki ang papel ng mga mag-aaral upang mabawasan ang mga posibleng kasiraan dulot ng kalamidad at ito ay kung handa sila at alam kung ano ang gagawin.

Ito rin ang dahilan kung bakit masigasig na isinusulong ito ni Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang environmental protection at disaster preparedness sa hanay ng mga mag-aaral at maging sa iba pang sektor.

Nakasentro ang obserbasyon ng National Disaster Consciousness Month ngayong Hulyo sa temang “Kahandaan at Kaligtasan ng Pamayanan Pundasyon ng Pamahalaan”. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento