Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Isang establisiemento sa Kabacan, ginagamit ng budol budol gang para makapanloko

(Kabacan, North Cotabato/ July 31, 2014) ---Ilang mga sindikato ngayon ang kumakalat sa bayan ng Kabacan at mga karatig na lugar upang magpautang diumano ng bigas at ginagamit ang pangalan ng Spectrum Rice retailer/Wholesaler  sa bahagi ng Aglipay St., Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Ito ang napag-alaman ng DXVL News mula kay Larry Manuel ang may ari ng nasabing establisiemento.

Aniya, isa ang breadcart sa Kidapawan City ang nabiktima ng mga ito kungsaan nakuha mula sa naturang establisiemento ang abot sa P2,100 makaraang nakipag-transaksiyon itong mga sindikato.
Peron a kanilang kinumpirma sa spectrum, wala umanong mga ahente sila na nakikipagtransaksiyon para magpautang.

Hindi lamang ang breadcart sa Kidapawan ang kanilang nabiktima kundi ilan pang mga residente ng Kabacan.

Kaya payo ngayon ni Manuel sa publiko na kapag may makipagtransaksiyon sainyu na taga-spectrum siyasatin ninyu ang kanilang mga id at agad na tumawag sa kanila para makumpirma ito.

Dagdag pa nito na ang naturang suspek ay isang lalaki, pero malaki ang paniniwala ni Manuel na maraming kasama ang mga ito ay nambibiktima ng mga residente maging sa ibang lugar. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento