(Kabacan, North Cotabato/ July 28, 2014) ---Arestado
ang tatlo katao makaraang mahulihan ng mga baril at granada sa bahagi ng
Mantawil St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 11:30 ng gabi nitong Sabado.
Sa report na ipinarating sa DXVL
News Radyo ng Bayan ni P/Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP na
nakilala ang mga naarestong suspek na sina: Norhamen Sandatu, 19-anyos; Abuhamen
Katog, 23-anyos kapwa residente ng Kibayao, Carmen, Cotabato at Kalid Alon,
30-anyos, Poblacion, Kabacan.
Nahuli ang tatlo sa ipinapatupad na
operation sita at kap-kap bakal ng mga elemento ng Kabacan PNP habang
nagsasagawa ng mobile patrol sa bayan.
Lulan ang tatlong mga suspek sa kulay itim
na Honda XRM 110 ng maaresto ng mga suspek habang nagpapatupad ng
anti-carnapping campaign.
Nakuha buhat sa mga suspek ang 9mm pistol, 1
unit ng Caspian brand na kalibre .45 na pistol, pitong piraso ng bala ng 9mm
maliban pa sa isang piraso ng granada na nakuha mula sa U-box ng nasabing
motorsiklo.
Napag-alaman pa na ang mga suspek ay walang
mga kaukulang dokumentong ipakita sa minamanehong motorsiklo.
Agad namang inilagay sa Kabacan PNP lock up
cell ang tatlo matapos ang isinagawang medical examination, mugshot at finger
printing.
Sa nagyon, inihahanda na ng Kabacan PNP ang
karampatang kasong isasampa laban sa tatlo. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento