(Kabacan, North Cotabato/ December 18, 2012)
---Umaalma na ngayon ang ilang mga regular na gumagamit ng Automated Teller
Machine o ATM sa napakahabang linya ng mga benipesyaryo na umaantabay sa makina
araw-araw.
Ito dahil sa marami pa rin sa mga
beneficiaries ng 4P’s mula sa ibang lugar ay dito sa Kabacan nag-wiwithdraw.
Bukod sa mga 4P’s Kabacan, dito rin sa
Kabacan Land Bank nag wiwithdraw ang Carmen, Pikit at mga kalapit na lugar sa
Maguindanao.
Kahit na mainit ang sikat ng araw tinitiis
na lamang ng ilang mga beneficiaries para lang makakuha ng pera.
Kahapon Offline din ang ATM ng Land bank sa
USM Kabacan.
Maging ang ilang mga bangko ay pinipilahan
na rin ng ilang mga benepisyaryo kagaya ng BDO, One Network Bank at RCBC.
Samantala, nirereklamo din ni MENRO designate
Officer Jerry Laoagan angmga basurang kumakalat sa Municipal compound ng LGU na
di tinatapon ng maayos ng ilang mga benepisyaryo sa basurahan.
Aniya, naglagay na siya ng mga basurahan sa
paligid ng Land bank, pero pagbalik nito, marami pa rin ang mga basurang
kumakalat sa paligid.
Kaya umaapela si Laoagan sa kooperasyon ng
bawat isa particular na sa mga benepisyaryo ng 4P’s na maging responsible sa
kanilang basura. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento