(Kabacan, North Cotabato/
December 18, 2012) ---Isasagawa na mamayang gabi ang final judging sa mga
establisiementong kalahok sa “Liwanag sa Kabacan contest.
Ito ayon kay Public
Information Officer Ragilda “Dadang” Martin matapos ang matagumpay na unang
paglilibot ng mga hurado noong Disyembre a-7.
Aniya, bahagi ito ng
pagpapalago ng turismo ng bayan at maipromote ang Kabacan na isa sa mga tourist
destination sa probinsiya ng North Cotabato.
Sinabi sa DXVL Radyo ng
bayan ni Kabacan Tourism designate officer Sarrah Jane Guerrero na nilahukan ng
iba’t-ibang mga establisiemento ang nasabing paunang patimpalak ng LGU para
gawing mas makulay ang kapaskuhan sa bayan ng Kabacan.
Kabilang sa mga entries
na sumali ang: Superama, Caltex gasoline station, Kusina Kabacan 1, Novo
Kabacan, 8 Fortune Fashion Marketing, Mokojo Bistro, Alma’s Lechon Manok, St.
Lukes Institute, Kusina Kabacan 2, Sugni Superstore, Kabacan Water District,
Kabacan Medical specialist at marami pang iba.
Kaugnay nito, hinikaya’t
ngayon ng LGU Kabacan ang publiko na saksihan din ang nasabing event na isinasagawa sa Rizal St., National
Highway, Kabacan, Cotabato.
Itatanghal ang mananalo
sa iba’t-ibang kategorya sa December 21 kasabay ng gagawing Christmas Party ng
LGU Kabacan.
May mga inihandang
papremyo ang pamahalaang lokal ng Kabacan sa kauna-unahang liwanag sa Kabacan
contest. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento