Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

LGU Kabacan, naghahanda na para sa dadalhing tulong sa mga biktima ng bagyong Pablo sa Compostela Valley


(Kabacan, North Cotabato/ December 18, 2012) ---Patuloy pa rin ngayon ang panawagan ng LGU Kabacan kasama ng pamunuan ng University of Southern Mindanao at ng Kabacan Water District sa publiko na bukas pa ring tumanggap ang nasabing tanggapan para tumanggap ng tulong donasyon para sa mga biktima ng bagyong Pablo sa compostella Valley.

Maari lamang pong dalhin sa Kabacan Municipal Hall ang inyung mga tulong in kind o in cash.

Dadalhin ang nasabing tulong sa Disyembre a-20 ng taong kasalukuyan ng LGU Kabacan.

Sa kabila ng pagbuhos ng tulong donasyon, Nabatid na nagkakaubusan pa rin ngayon ng mga pagkain angmga residenteng nasalanta ng bagyong Pablo sa compostela Valley.

Una na ring naglaan ang LGU Kabacan ng abot sa P100,000.00 bilang tulong ng munisipyo sa mga biktima ng bagyong Pablo sa Compostella Valley na malubhang naapektuhan ng nasabing kalamidad.

Para sa inyung mga tulong donasyon makipag-ugnayan kay Municipal Disaster Risk Reduction Officer Dr. Cedric Mantawil sa tel # 248-2123 o sa cell phone # 0920-948-5004 o di kaya kay MSWD Officer Susan Macalipat sa # 0919 3190840. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento