Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

SB Kabacan suportado ang kahilingan ng Kabacan Water District hinggil sa pag-oppose na isapribado ang nasabing GOCC

(Kabacan, North Cotabato/June 1, 2012) ---Suportado ngayon ng Sangguniang bayan ng Kabacan ang kahilingan ng Kabacan Water District sa pag-oppose ng Senate bill no. 2997 at House bill No. 5497.

Ito ayon kay Atty. Edmundo Apuhin, SB councilor/chair ng Committee on Rules and Privileges kungsaan dahil nais umano ng gobyerno ang private-public partnership na ayon sa opisyal ay mauuwi rin umano sa privatization ng mga Water district kagaya ng KWD.

Ayon kay Kabacan Water District Manager Ferdie Mar Balungay, ang nasabing panukala ay nasa 2nd reading na sa senado at ipinupersige umano ito ng mga mambabatas, dahil ang mga water district matapos ang tatlong dekada ay bigong makapag bigay ng magandang suporta sa mga concessionaire’s nito.

Naniniwala naman si councilor Apuhin na diriktang maapektuhan nito ang mga malalayong brgy na siniserbisyuhan ngayon ng Kabacan Water district, ito dahil walang malilikom na income sakaling ibang korporasyon na ang mag-mamay-ari ng nasabing government owned and control corporation.

Iginigiit kasi sa batas na ito na i-abolish ang lahat ng mga water district at pag-isahin na lamang, ayon sa opisyal ng KWD, pero ang punto ni Kabacan Water district Manager Balungay, ito nga ba ay kaya ng gobyerno dahilan kung bakit iginigiit nila ng private-public partnership at malaki ang paniniwala ng opisyal na mauuwi ito sa kamay ng mga pribadong kompanya kagaya ng nangyari sa power sector, inihalimbawa pa nito na ang Mindanao ay hawak na ngayon ng Abiotiz.

Kaugnay nito panawagan nina councilor Apuhin at Manager Balungay na suportahan an gang kanilang panukala hinggil sa pag-oppose ng Senate bill No. 2997 at House bill 5497. (Rhoderick Benez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento