Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Grupong 14 instruments nasa Kabacan para magbahagi ng mga aklat tungkol sa kalusugan

(Kabacan, North Cotabato/June 1, 2012) ---Naging bisita sa Sangguniang bayan ng Kabacan kahapon ang grupong 14 instruments mula sa Tupi, South Cotabato grupong nagbabahagi ng mga aklat patungkol sa kalusugan.

Ayon sa kanilang team leader na si Dariel Llanto Babanto, team leader ng Student Literature Evangelist pangunahin sa kanilang paglilibot ay ang pagbabahagi ng mga publication sa mga bahay at sa mga opisina na makakatulong sa mga bata, mga magulang at sa lahat ng tao. 

Ang malilikom nilang pondo ay gagamitin para sa mga scholarship ng mga bata sa kanilang organisasyon para makapag-aral, ayon pa kay Babanto.

Noon pang Marso 26 nandito ang nasabing grupo sa Kabacan at pansamantalang nanunuluyan sa Brgy. Osias, Kabacan kungsaan hanggang sa Hunyo a-11 lamang sila.

Ang grupo ay sailalim ng Seventh Day Adventist, isang religious sector at kabilang sa sikat na aklat na kanilang ibenibenta ay ang Health and Home sa ilalim ng Philippine Publishing House and Home Health Education Services.

Kaugnay nito, may paalala naman si Babanto sa lahat na tangkilikin ang mga aklat na makakatulong sa ating katawan at higit sa lahat ay wag kalimutan ang tiwala sa Panginoon dahil naniniwala ang binatilyo na siya lang ang maaring makapag-pagpagaling o makahilom ng ating pisikal o ispiritual na karamdaman. (Rhoderick Benez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento