Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kumakalat na Text hinggil sa Van na nagunguha ng mga bata at mga babae hindi galing sa PNP

(Kabacan, North Cotabato/May 30, 2012) ---Nilinaw ni P/Supt Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP na hindi galing sa Police --North Cotabato ang kumakalat na text messages hinggil sa diumano’y may mga sasakyan na nagunguha ng bata pati mga dalaga sa probinsiya.

Batay sa text messages na kumakalat: mababasa ang “Pakikalat daw, plate number ng mga nangunguha ng mga bata pati mga dalaga. Van na green XMM 507 at white Van na VXM 351 at kung may mag-alok ng perfume wag nyu entertain kasi kapag maamoy ay mahihilo kayo at mawawalan ng malay at kukunin kayo”.

Bagama’t wala itong katotohanan, ayon kay Supiter, wag naman umanong maliitin ang nasabing imporamasyon at panatiling maging mapag-matyag, sabi pa ng opisyal na wag rin basta-bastang makipag-usap sa mga taong hindi kilala para maiwasan ang kahalintulad na insedente.

Aniya, bagaman ay gawa-gawa lamang ang nasabing impormasyon, malaking tulong naman ito upang lalong makapaghanda ang publiko. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento