(Carmen, North Cotabato/May 31, 2012) ---Matapos
ang matagal na panahong pagtatago sa batas, naaresto na sa wakas, ng mga
otoridad ang suspek na responsable sa pagnanakaw ng kuryente o paglabag sa
Republic Act. 7832 o mas kilala sa tawag nag Anti-Pilferage Act.
Nanguna sina P/Chief Insp. Jordine Maribojo,
hepe ng Carmen PNP at P02 Roy Delenia, Deputy chief of Police sa pag-aresto kay
Ricardo Romano nasa tamang edad at residente ng Brgy. Aroman ng nabanggit na
bayan.
Si Romano ay naaresto sa kanilang bahay alas
8:30 ng umaga noong Martes sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng RTC Branch
16, Kabacan Branch at may criminal case number na 07-267.
Sa ngayon kulungan ang bagsak ng nsabing
suspetsado.
Samantala, arestado rin ang isang 32-anyos
na lalaki makaraang mahuling nagpapataya ng illegal number game na mas kilala
sa tawag na last two sa bayan ng Carmen alas 5:40 kamakawala ng hapon.
Kinilala ang natimbog na si Jan Dap-og, 32,
may asawa at resident eng Purok 8, Pobalcion ng nabanggit na lugar.
Nakuha mula kay Dap-og ang mga last two
paraphernalia kagaya ng tally sheets, receipts, ballpen at cash bet money na
nagkakahalaga ng P950 sa iba’t-ibang denominations.
Ito dahil sa nagpapatuloy na kampanya ng
Carmen PNP kontra illegal na droga. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento