(Kidapawan
City/May 28, 2012) ---Bumaba nang higit sa 50 porsiento ang taunang suportang
pinansiyal ng Kidapawan City LGU sa local na PNP, ngayong 2012.
Ito
ang nabatid mula mismo kay Supt. Renante Cabico, ang hepe ng Kidapawan City
PNP.
Kung
noong 2011, abot sa P1.3 million ang financial support ng LGU sa Kidapawan City
PNP, sa ngayon, abot na lamang ito sa P582, 000 – o mas mababa ng 55 percent.
Taliwas
ito sa naging pangako noon ni City Mayor Rodolfo Gantuangco nang maupo noong
nakaraang Pebrero bilang city PNP director si Cabico.
Sa
turnover of command noong February 25, nangako si Gantuangco na ti-triplehin
niya ang suporta sa PNP para lumakas ang kampanya nito kontra sa iba’t ibang
uri ng kriminalidad.
Pero
hindi naman ito nangyari. Bagkus, lalo pa nga’ng nabawasan ang pondo mula sa
city LGU. Ang dagdag na suportang pinansiyal ang iginiit ni Cabico nang siya ay
ipatawag ng Sangguniang Panglungsod ng Kidapawan, kahapon.
Bagama’t
hindi sa usaping ito nakasentro ang question hour sa kanya, isiningit ni Cabico
ang dagdag na suporta mula sa LGU.
PAYO
NI Kidapawan City vice-mayor Joseph Evangelista, ang presiding officer ng
Sanggunian, na gumawa ng formal letter si Cabico at ipadala niya sa SP
Kidapawan para mabigyan ng tugon ang kanyang kahilingan.
SA
NGAYON, da-dalawa lang ang patrol car ng Kidapawan City PNP. Ang isa rito halos ay sira na.
Kulang
din sila sa gamit sa komunikasyon at iba pang mahahalagang gadget na kailangan
para sa pagbaka ng krimen at terorismo, ayon kay Cabico.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento