AMAS,
Kidapawan City (Sep
25) – Sa layuning maisulong pang lalo ang karapatan at proteksiyon ng mga
kabataan o youth, isinagawa ng Provincial Government of Cotabato ang 3-day Child
and Youth Summit 2015 kung saan tinalakay ang mga nangungunang issues and
concerns na kanilang kinakaharap.
Ayon kay Gov Emmylou “Lala” J.
Taliño-Mendoza, mahalagang mabigyan ng kaukulang pansin ang mga kabataan dahil
sila ang pag-asa at kinabukasan ng bayan kung kaya’t kailangan silang pakinggan
at suportahan.
Nakapaloob sa tatlong araw na summit mula
Sep. 23-25, 2015 ang paglahahad mismo ng mga kabataan ng mga problemang
kanilang kinakaharap tulad ng kahirapan, kakulangan o kawalan ng edukasyon,
child labor, drug abuse, rido, unstable peace and order sa ilang mga barangay
na apektado sa labanan ng armadong grupo at military at iba pang mga suliranin.
Abot sa 400 na kabataan ang lumahok sa summit
kabilang ang mga school and youth leaders, Sangguniang Kabataan, out-of-school
youth at iba pang grupo ng kabataan mula sa tatlong distrito ng Cotabato.
Tema ng Child and Youth Summit 2015 ay Kuya,
Ate sa Serbisyong Totoo, Go Na Tayo.
Mismong ang mga kabataan ang naglahad sa
session ng kanilang mga suliranin at hamon sa buhay at kung ano sa tingin nilang
ang mga hakbang upang matugunan o
masolusyunan ang mga ito.
Nagsagawa rin sila ng workshop, table
discussions, reporting at open forum.
Nagsilbing mga facilitator ng summit sina
Board Members Shirlyn Macasarte, Maybelle T. Valdevieso, Aire Claire Pagal at
Dulia Sultan.
Miyembro naman ng Child and Youth Summit 2015
Technical Working Group sina Junmar Gonzales bilang Summit Director, Reynald
Campo ng SP Cotabato, Ralph Ryan Rafael, Focal Person ng PGO Media Affairs at
iba pa.
Layon din ng summit na pag-aralang muli ang
Child and Youth Development Code ng Cotabato Province at alamin ang mga
pagbabago na dapat ipatupad kaugnay ng naturang batas.
Sa ikatlo at huling araw ng summit ay
nagpalabas ng isang Children Statement ang
mga partisipante.
Kaugnay nito, inaasahang lalakas pa ang hanay
ng kabataan sa lalawigan at makamtan nila ang inaasam na pagbabago at
kaunlaran. (JIMMY STA. CRUZ/PGO Media
Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento