Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pasiklaban 2015, pormal ng nagsimula sa pamamagitan ng mahaba at maingay na ‘Torch Parade’

(USM, Kabacan, North Cotabato/ September 28, 2015) ---Kagaya ng inaasahan naging makulay, maingay at mahaba ang ‘torch Parade’ kagabi bilang hudyat ng pagsisimula ng Pasiklaban 2015 sa University of Southern Mindanao, Kabacan, Cotabato.

Dinagsa rin ng maraming tao ang bawat kalye na dinaanan ng parada upang matunghayan ang iba’t-ibang mga customs at pakulo ng bawat organisasyon lalo na ng mga fraternity at sorority kungsaan panay ang sigawan ng mga ito habang dumadaan sa mga pangunahing kalye ng Poblacion.

Nagsimula ang parade sa USM ground papuntang Sunset, dumaan sa Abellera patungong National Highway at pabalik sa pamamagitan ng rutang USM Avenue.

Naging mapayapa at maayos naman sa pangkalahatan ang pagbubukas ng pasiklaban sa tulong ng mga kapulisan, USM Security Force, Tanod at BPAT na ipinakakalat sa loob at labas ng Pamantasan.

Bago mag-alas 11 kagabi ay nagkaroon din ng makulay at magarbong fireworks display na tumagal ng ilang minuto na mas lalo pang nagpasaya sa Pagbubukas ng Pasiklaban.

Samantala napansin din ng DXVL News, ang maraming kalat ng basura sa loob ng main campus kagabi matapos ang ‘torch parade’.

Maliban dito, dinagsa rin ng maraming tao ang trade fair na nasa harap ng gusali ng USM Administration Building, kaliwang bahagi kung ikaw ay papasok ng Unibersidad.

Ang Pasiklaban 2015 ay bahagi ng ika-63rd founding anniversary ng USM.

Tema ng Pasiklban sa taong ito ay “Pagalingan, Karunungan at Pakikipagkaibigan”.


Samantala, nakuha naman ng College of Agriculture sa katauhan ni Ravin Hermida ang Mr. USM habang kinoronahan naman bilang Ms. USM si Ana Mae Dunyo na pambato ng College of Business Development and Economic Management o CBDEM. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento