(Matalam, North Cotabato/ October 2, 2015)
---Kinilala na ng mga kasama nito ang bangkay ng lalaking Indian National na
natagpuan sa isang lugar sa Purok 5, Brgy. Manubuan, Matalam, North Cotabato
kahapon ng umaga.
Sa panayam ng DXVL News kay PCI Elias Diosma
Colonia, kinilala ang biktima na si Ranjit Singh Brar, 27-anyos, walang asawa
at isang private lender/ collector at residente ng Purok 9, Brgy. Sudapin,
Kidapawan City.
Ang suspek ayon sa report ay taga-Langiana
Khurd, Bgah Purana Ditrict, Moga Punjab, sa bansang India.
Hindi naman nakitaan ng tama ng bala o
saksak ang biktima na naging sanhi ng kamatayan nito, kaya palaisipan pa sa
pulsiya ang dahilan ng pagkamatay ng nasabing Indian National.
Ang mga kasama nito ay nakikipag-ugnayn na
sa India, upang isailalim sa autopsiya ang bangkay ng biktima para malaman kung
anu ang dahilan ng pagkamatay nito, ayon kay PCI Diosma. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento