(Kabacan, North Cotabato/ September 30, 2015)
---Kulungan ang bagsak ng mga naarestong
notoryos na mga tulak droga makaraang salakayin ng mga elemento ng Cotabato
Police Provincial Office ang limang mga kabahayan na sinasabing drug den sa
magkahiwalay na lugar ng Lapu-Lapu St., Purok Krislam, Poblacion at Galas
Subdivision, Brgy. Kayaga bayan ng Kabacan, North Cotabato alas 4:00 ng
madaling araw kanina.
Kinilala ni P/SSupt. Alexander Tagum, CPPO
Provincial Director ang mga nahuli na sina Badrudin Gonsang, Fatima Encarnacion
alias Babo Oding, Edgar Macabuat Gonsang, Arnold ‘Nold’ Gonsang at ang kanilang
runner na si Eddie Flores Tuan habang nakatakas naman si Allan Esma Alias
Allan Odag matapos na matunugan ang nasabing operasyon.
Sa ulat ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng
Kabacan PNP nakuha mula sa mga suspek ang 3 kalibre .45 na pistol, siyam na Magazine,
6 na live ammo ng kalibre .40, 36 na live ammo ng kalibre .45, dalawang empty
shell ng 9mm, 174 na empty shell ng kalibre .45 at isang granada.
Nakuha din sa paghalughog sa mga bahay ng
suspek ay ang 20 sachet ng shabu na may bigat na 100 gramo na may estimated
market value na P800,000.00, mga residue ng shabu, apat na piraso ng tuyong
dahon ng Marijuana at 2 electronic digital weighing scale.
Maliban dito, nakumpiska din ng mga otoridad
ang abot sa P94,124.00 na cash.
Ang pag-aresto sa mga suspek ay sa bisa ng
warrant of arrest na inisyu ni Hon. Arvin Sadiri Balagot, Presiding Judge/
Executive Judge ng RTC 12, Kidapawan City.
Ang operasyon ay sa tulong ng pinagsanib na
pwersa ng Cotabato PPO, CPPSF, CIDG, 7th IB kasama ang mga element ng
Makilala PNP, Antipas MPS, Mlang MPS, Tulunan MPS, Kidapawan CPS at Kabacan
PNP.
Ang nasabing kampanya ay suportado ni
Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. upang lalo pang malinis ang bayan ng Kabacan sa
anumang kriminalidad. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento