(USM, Kabacan, North Cotabato/ September 30,
2015) ---Ang batikang mamamahayag ng ABS-CBN na si Miss Korina Sanchez ang
magiging panauhing pandangal para sa 63rd Founding Anniversary ng Pamantasan ng
Katimungang Mindanao, bukas.
Ito ang sinabi sa DXVL news ni USM Pres. Dr.
Francisco Gil Garcia upang makasalamuha ng may bahay ni Presidentiable Mar
Roxas ang mga constituents ng USM.
Alas 6:00 bukas ng umaga ay magkaroon ng
Floral Offering sa bantayog ni Bai Fatima Matabay Plang, ang founder ng USM at
parade susundan naman ng foundation anniversary program alas 8:00 ng umaga na
isasagawa sa USM gymnasium.
Inaasahan ding darating sa programa ngayong
umaga si Gov. Lala Talino Mendoza, 3rd District Rep. Jose ‘Ping-ping’ Tejada,
Representatante ni Mayor Herlo Guzman Jr., at si Kapitan Dominador Mike
Remulta.
Kaugnay nito, gagawaran naman ang anim na
mga awardee na mga alumni ng USM batay sa iba’t-ibang larangan kungsaan
namayagpag ang mga ito.
Samantala, Planu naman ng Provincial
Government na suportahan ang Pasiklaban sa USM dahil sa nakikitang suporta ng
komunidad, isa ito sa magiging regular event para maginmg tourist attraction sa
lalawigan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento