Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pinalakas na police visibility at pagsugpo sa krimen tututukan ng bagong PD ng CPPO

AMAS, Kidapawan City (Sep 21) – Tututukan ni PSSupt Alexander Tagum, bagong Police Provincial Director ng Cotabato Police Provincial Office o CPPO ang pagpapalakas ng police visibility ganundin ang pagsugpo sa kriminalidad sa kanyang Area of Responsibility.

Ito ang ipinahayag ni PSSupt Tagum matapos ang Turn Over of Command mula kay OIC PD PSSupt Noel Kinazo sa CPPO Headquarters, Barangay Amas, Kidapawan City noong Sep 17, 2015.

Ayon kay Tagum, dapat ay laging nakikita ang mga pulis sa mga matataong lugar upang mapanatili ang kaayusan at protektahan ang mga sibilyan laban sa mga masasamang loob.

Kasabay raw nito ang paglilinis sa hanay mismo ng kapulisan na gagawin ni Tagum alinsunod na rin sa marching order ng Police Regional Office 12.

Si dating CPPO PD Danilo Peralta na ngayon ay nakatalaga na sa PRO 12 sa General Santos City ang nanguna sa turn over ceremony.

Sumaksi sa seremonya sina 1st District of Cotabato Board Member Kellie Mohamad Antao, Chairman ng SP Cotabato Committee on Peace and Order bilang kinatawan ni Gov Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza; Dept of Interior and Local Government Provincial Director Ali Abdullah, Judiciary members, media, mga Chiefs of Police ng iba’t-ibang munisipyo at iba pang sektor.

Una ng naging Chief of Police ng Kidapawan City PNP at Head ng CPPO Mobile Group si Tagum ilang taon na ang nakalipas at kasalukuyang Head ng PNP-CIDG Region 10 bago nailipat bilang PD ng CPPO na siya naman utos mula sa Camp Crame. (JIMMY STA. CRUZ-PGO Media Center)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento