(Kabacan,
North Cotabato/ September 18, 2015) ---Bahagyang tumaas ang kaso ng Dengue sa
bayan ng Kabacan sa buwan ng Agosto mula sa buwan ng Hulyo ngayong taong 2015.
Ayon kay
RHU Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon sa panayam ng DXVL News
Team, nakatala sila ng 15 kaso ng dengue sa buwan ng Agosto, mataas kung
ikukumpara sa 11 sa buwan ng hulyo.
1 dito mula
sa Brgy. Aringay, 2 sa Kayaga, 1 sa Malamote, 1 sa Pisan, 1 sa Simone, 1 sa
Tamped at 8 sa Poblacion.
Nakapagtala
rin ng mga kaso ng Sexually Transmitted Infections sa bayan sa buwan pa rin ng
Agosto.
Samantala abot
naman sa halos dalawang libong kaso ng Dengue ang naitala sa probinsya ng North
Cotabato mula Enero hanggang Agosto ngayong taon.
Ito ang
sinabi ni Department Of Health Ass. Regional Director Dr. Frank Mateo sa
nasabing bilang 85 percent na mas mataas ito kung ihahambbing noong nakaraang
taon sa kaparehang panahon.
Aniya anim
na mga indibidwal na ang namatay dahil sa nabanggit na sakit.
Sa mga
nakaaraang linggo, ilang mga bayan sa lalawigan ang may naitalang
pinakamaraming kaso ng dengue at kabilang na rito ang dalawang barangay mula sa
bayan ng Alamada, Greenfield, Arakan, Poblacion Kabacan, Poblacion, Kidapawan
at Poblacion sa Makilala.
Dahil dito,
pinaaalalahan ni Mateo ang publiko lalo na ang mga lugar kung saan may maraming
kaso ng dengue na mag-ingat at ugaliing malinis ang paligid at palakasin pa ang
uinformation dessimination tungkol sa dengue. Mark Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento