(Kabacan,
North Cotabtao/ September 18, 2015) ---Tatlo katao ang naiulat na naging
reactive sa sakit na HIV sa
eksaminasyong ginawa ng Rural Health Unit ng Kabacan o RHU.
Ang resulta
ay inilabas ng DOH 12 matapos ang isinagawang free screening text sa HIV/AIDS
na naging bahagi ng founding Anniversary program ng Kabacan noong Agosto.
Dahil dito,
nanawagan naman ang RHU sa publiko na wag mahiyang magpacheck-up sa kanilang
tanggapan kung may nararamdamang sintomas ng mga STI upang malapatan ng agarang
lunas.
Gagawin
namang pribado ang mga impormasyon ng mga ito kung makikitaan man ng nasabing
sakit ang mga biktima.
Sa ngayon
patuloy ang monitoring ng pamunuan ni HIV coordinator Ruth Passion sa mga guest
Relation Officer sa bayan ng Kabacan.
Una ng
ibinunyag ng opisyal na talamak ang prostitution sa bayan ng Kabacan kungsaan
karamihan sa mga GRO ay nasa edad 15-anyos. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento