Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Napipintong pagtama ng El Nino, pinaghahandaan na ng DA 12

(Davao City/ September 14, 2015) ---Naglatag na ng mga mitigating plan ang Department of Agriculture Regional Office 12 hinggil sa posibilidad na pagtama ng El Nino sa Rehiyon.

Sa isinagawang press conference inihayag ni DA 12 Regional Executive Director Amalia Jayag Datukan na batay sa forecast ng PAGASA posibleng tatami ang matinding tag-tuyot sa buwan ng Oktubre ngayong taong hanggang sa unang bahagi ng 2016.

Dahil dito, iba’t-ibang paghahanda ang inilatag ng Kagawaran kagaya ng pag buo ng drought Technical Working Group, cloud seeding, pamimigay ng mga seed resistant seeds, paglalagay ng mga tube wells at iba pang makinarya para sa open source water.

Maliban dito, inihayag din ng opisyal na may mga gagawin silang surveillance ng mga peste at mga disease activities.

Sa hiwalay namang panayam ng DXVL News kay Regional Agriculture and Fisheries Information Section Chief Nelly Ylanan, sinabi nitong may mga nakakalat ng mga kawani ng Kagawaran sa iba’t-ibang sulok ng rehiyon para sa pag monitor ng kalagayan ng sakahan.

Samantala, wala pang datos na nailabas ang kagawaran hinggil sa kung gaanu kadami at magkakanu ang danyos ng nagdaang tagtuyot na tumama sa rehiyon.


Tiniyak naman ni Director Datukan na bukas ang kanyang pamunuan sa anumang mga reklamong ipaparating ng mga magsasaka. Rhoderick Benez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento