Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

P12K, natangay ng budol-budol gang sa isang Ginang sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ September 16, 2015) ---Huli na nang mapagtanto ng isang 38 anyos na ginang na nabiktima na siya ng budol-budol gang sa Kabacan Public Market alas 3:30 kahapon ng hapon.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero OIC Chief ng Kabacan PNP ang biktima na isang Joy Catedrilla, may asawa at residente ng Brgy. Ugalingan sa bayan ng Carmen North Cotabato.

Ayon sa salaysay ng biktima, nagkasabay umano sila ng suspek na isang babae, nasa 40 anyos ang edad, medyo maputi, medyo chubby sa sinakyan nitong multicab papunta dito sa bayan.

Sinabi ng suspek na galling umano siya sa bayan ng Carmen dahil nabenta ng mga alahas.
Nagpakita pa umano ng pera ang suspek sa biktima.

Pagdating ng mga ito sa terminal ng mga multicab sa Kabacan Public Market ay sinabi ng suspek na magsi CR lang ito at iiwan niya sa biktima ang kanyang bag na naglalaman umano ng maraming pera.

Upang masiguro umano ng suspek na hindi aalis ang biktima ay kinuha rin nito ang bag ni Catedrilla at ibinigay naman niya ito.

Hindi naman umano nakahindi ang biktima sa mga sinabi ng suspek.

Doon na naghinala ang biktima na ilang sandali na ang nakakalipas ay hindi pa bumabalik ang suspek at nang tingnan niya ang laman ng bag puro papel lamang.

Agad na dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktima.

Patuloy ngayon ang paghahanap ng Kabacan PNP sa nasabing suspek.

Nagbigay naman ng paalala si PSI Cordero sa publiko na wag basta makipag-usap sa mga estranghero lalo pat hindi kilala upang hindi mabiktima sa nasabing mudos ng mga suspek.


Dagdag pa ng opisyal, iwasan rin ang pagdadala ng maraming pera at pagbibilang ng pera sa maraming tao. Mark Anthony Pispis

0 comments:

Mag-post ng isang Komento