(Kabacan, North Cotabato/ September 6, 2015)
---Pinaghahandaan na ngayon ng pamunuan ng Cotabato Electric Cooperative, Inc. –PPALMA
area ang inaasahang el Nino na mararanasan ng bansa.
Ito ang sinabi ni Cotelco-PPALMA Board of
Director Isidro Ondoy sa panayam ng DXVL News sa kanya.
Aniya, may mga naka-kontrata na silang
Independent Power Producers sa Mindanao na magbibigay sa kanila ng supply ng
kuryente sakali mang bababa ang supply ng kuryente ng Hydro Electric Power
Plant, na pangunahing nagbibigay ng mababang presyo ng kuryente sa Mindanao.
Sinabi ni Ondoy na ang Cotelco-PPALMA ay
naka-kontra ng 4Mega Watts sa HEP habang nakakuha naman sila ng 5MW sa
Geothermal maliban pa sa 4MW mula sa Therma South Inc. o TSI.
Sa ngayon, nasa 13MW ang peak demand na
kinakailangan ng Cotelco-PPALMA pero ang nasusuply ng National Grid Corporation
of the Philippines o NGCP sa kanila ay 11MW, batay naman doon sa kanilang
nakontrata sa mga power generation plant.
Kung sakali mang tataas ang demand ng power
supply sa anim na bayan na siniserbsiyuhan ng Cotelco-PPALMA, ngayon pa lamang
ay tinutugunan na ito ng kooperatiba.
Ayon kay Board Ondoy, pinoproseso na nila
ngayon pa lamang ang 10MW sa Global Power ng San Miguel Corporation na nakabase
sa Malita, Davao del Sur sa tulong ni Cotelco PPALMA General Manager Felix Canja.
Ito upang tiyaking hindi masakripisyo ang
mga konsumedures ng Cotelco-PPALMA sa darating na mga araw.
Sa ngayon patuloy pa ring nakakaranas ng mga
power interruption ang service area ng Cotelco-PPALMA pero hindi na ito umaabot
ng mahabang oras.
Tiniyak naman ng pamunuan ng Cotelco-PPALMA
na kung titindi epekto ng el Nino sa kalagayan ng kuryente sisikapin nilang
tutugunan ito agad.
Sinabi ng opisyal na ang pagtitipid pa rin
sa paggamit ng kuryente ang pinakamainan na panlaban sa lumalalang krisis sa
enerhiya sa Mindanao. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento