Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Isang lineman ng Cotelco patay sa pananaksak sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/April 26, 2012) ---Patay ang lineman ng Cotelco makaraang pagsasaksakin ng lalaking nakaaway nito sa brgy. Katidtuan, Kabacan, Cotabato kahapon ng hapon.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Eduardo Gerodias, nasa tamang edad at residente ng brgy. Osias ng nabanggit na bayan.

Kinilala ang suspek na si Steve Guillermo, 36-anyos, may-asawa at residente ng nasabing lugar.

Batay sa report, nag-aayos umano ng linya ng kuryente si Gerodias sa compound ng suspek sa brgy. Katidtuan at pagbaba nito mula sa trabaho ay agad na pinagsasaksak ng suspek ang biktima gamit ang isang matulis na bagay.

Mabilis namang isinugod ang biktima sa Kabacan Medical specialist bago dinala sa Kidapawan subalit binawian na ito ng buhay ala una ng madaling araw kanina.

Di pagkakaintindihan ng dalawa ang nasisilip na dahilan ng mga otoridad.

Sa ngayon sa kulungan ang bagsak ng suspek habang inihahanda ang kasong kakaharapin nito.

Si Gerodias ang pangalawang empleyado ng cotelco na namatay ngayong linggong ito, ang una ay si Max Ganion na residente ng brgy. Aringay makaraang pagbabarilin ng mga di pa nakilalang suspetsado sa ulo nitong linggo ng gabi sa Mapanap St habang kasagsagan ng ipinapatupad na Rotational Brown-out sa service area ng Cotelco. (Brex Bryan Nicolas)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento