Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

(Update) 3 na sugatan sa pagsabog ng granada sa Midsayap, North Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/April 26, 2012) ---Umakyat na sa tatlo ang mga sugatan sa nangyaring pagsabog ng Granada sa National highway ng brgy Villarica, Midsayap, North Cotabato alas 8:10 kamakalawa ng gabi.


Ayon kay Supt. Franklin Anito, hepe ng Midsayap PNP inihagis umano ang granda sa harap ng bahay ng isang nakilalang Gerry Gornez, Limang kilometro ang layo mula sa himpilan ng pulisya.

Kinilala ang mga sugatan na sina Nenita Benitez, 64, Amid Bruno 15 at asmirah daud 17 lahat mga resident eng nabanggit na lugar.

Ayon sa pulisya 2 suspek na lulan sa isang motorsiklo ang naghagis ng Granada sa tahanan ni Gornez, ngunit tumama ito sa steel gate dahilan para masugatan angmga biktima na nakaupo malapit sa bahay ng sinasabing target ng paghahagis ng Granada.

Naganap ang insedente habang kasagsagan ng brown-out sa lugar.

Narekober sa pinangyarihan ng insedente ang safety lever ng nasabing granada.

Kaugnay nito, inatasan ni P/SSupt Cornelio Salinas, Provincial Director ng Cotabato PNP ang Midsayap PNP na magsagawa ng malalimang imbestigasyon para alamin ang totoong motibo sa nasabing pagpapasabog.(Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento