Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

NIA Administrator pinasalamatan ang mga magsasaka, hinikayat na ipagpatuloy ang suporta sa ahensya

(Midasayap, North Cotabato/April 23, 2012)  ---Kasabay ng ika-34 anibersaryo ng National Irrigation Administration o NIA Region 12, pinasalamatan ni NIA Administrator Antonio Nangel ang mga magsasaka dahil sa aktibong pagsuporta sa mga programa at gawain ng ahensya.


Sa report ni DXVL PPALMA News Correspondent Roderick Bautista, Binigyang diin  ni Administrator Nangel na ang mga magsasaka ang siyang tunay na “boss” ng mga lingkod bayan tulad niya.

Sa bawat parangal umanong natatanggap ng sinumang NIA officer, dahil ito sa mga magsasaka at empleyado ng ahensya.

Sa mga nakalipas na taon, naging mahusay umano ang performance ng NIA Region 12 dahil na rin sa harmonious relationship, strong teamwork, at professionalism  ng farmer- irrigators, NIA 12 employees, at LGUs upang maisagawa ang tungkulin ng bawat isa.

Ayon sa opisyal kinakailangang maging tapat at mahusay sa paglilingkod ang mga empleyado ng NIA upang makamit ang layunin ng ahensyang maipaabot sa mga magsasaka ang serbisyong dapat nilang matanggap.

Layunin ng gobyerno na makamtan ng bansa sa 2013 ang food self- sufficiency at bahagi ng stratehiya upang maabot ito, target ng NIA na makapag-generate ng 180, 000 hectares, marehabilitate ang abot 305, 000 hectares at marestore ang 125, 000 hectares na mga lupang taniman mula taong 2011 hanggang 2013.

Pinasalamatan rin ng opisyal si North Cotabatao First District Cong. Jesus Sacdalan dahil sa pagsuporta nito at pagsisikap na tutukan ang kalagayan ng mga magsasaka sa distritong kanyang nasasakupan

Umaasa naman ito na mapapalakas pa ang samahan ng NIA, IA at LGUs upang makamit ang sapt na pagkain ng pamayanan.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento