Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Multicab; hinold-up sa Kabacan, Cotabato; Mahigit sa P3,000 natangay mula sa mga pasahero

(Kabacan, North Cotabato/April 20, 2012) ---Abot sa mahigit P3,400 ang natangay ng tatlong mga di pa nakilalang mga kalalakihan mula sa isang pampasaherong multicab makaraang mahold-up sa may Sitio Agpa, Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 7:20 kagabi.


Ayon kay P/Supt. Raul Supiter, ang OIC Chief of Police ng Kabacan PNP, galing ng Kabacan ang nasabing multicab na may plate # MVX 475 na minamaneho ni Edwin Aledilla Alago residente ng Poblacion, Carmen ng mahold-up sa nabanggit na lugar.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad lumalabas na nagpanggap umano bilang mga pasahero ang dalawang suspek na sumakay sa nabanggit na multicab na nakaparada sa harap ng Mercury drug store kagabi.

Habang nakasunod naman ang isa pang suspek sakay sa Bajaj single motorcycle at pagdating sa nasabing lugar ay nagdeklara ng hold-up.

Tinutukan ng mga suspetsado ng baril ang driver pati ang mga pasahero at mabilis na tinangay ang mga mahahalagang gamit ng mga pasahero kasama na ang cash na nagkakahalaga ng P3,400.

Matapos maisakatuparan ang masamang balakin, mabilis namang tumakas ang mga salarin sakay sa nasabing motorsiklo papunta sa direksiyon ng Kabacan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mg otoridad sa nasabing insedente. (Rhoderick Beñez)

1 komento:

  1. Pagka way batasan anang kawatana. Mao nga sa mga naga sakay ug pangpasaherong Multicab, dapat gyud nga alerto kanunay.

    TumugonBurahin