(Pikit, North Cotabato/April 16,
2012) ---Patay ang konduktor ng Weena Bus Company matapos barilin ng isa sa
apat na mga hold-upper nang tumanggi ito’ng ibigay ang koleksyon habang nasa
highway ng Pikit, North Cotabato ang sasakyan, alas-11:25 ng umaga kahapon.
Kinilala ni Insp. Elias Dandan, hepe
ng Pikit PNP, ang nasawi na si Nasser Dima, konduktor ng Eric Bus na may body
number XXV na may rutang Cotabato-Davao.
Sinabi ni Dandan na apat na mga
suspect na nagpanggap na mga pasahero ang nagdeklara ng hold-up nang makarating
ang bus sa may Sitio Mahad, Barangay Fort Pikit sa Pikit at agad nilimas ang
mga gamit at cash ng mga pasahero, maging ang koleksyon ni Dima.
Sa dibdib ang tama ni Dima na agad
nito’ng ikinamatay, ayon kay Dandan.
Pinababa pa raw ng mga suspect ang
konduktor at doon binaril ng maraming beses.
Sinabi ni Dandan na isa rin sa
anggulong tinitingnan nila sa pagpatay kay Dima ay personal
grudge.
Ayon sa kaanak ng biktima, matagal
na raw may banta sa buhay na natatanggap ang konduktor.
Ayon kay SPO2 Teng Dimapalao, isa sa
mga imbestigador ng Pikit PNP, ang lugar na pinangyarihan ng krimen ay halos
400 metro lamang ang layo mula sa detachment ng composite team ng Army at CAFGU
ng 7th IB.
Nakita pa umano ng sundalo ang
pagbaril na ginawa ng mga suspect pero ‘di raw nakapagresponde dahil nag-iisa
lang ito.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento