(Kabacan,
North Cotabato/April 18, 2012) ---Aabutin pa umano ng halos isang buwan ang
mararanasang mahigit sa anim na oras na power interruption sa mga service area
ng Cotabato Electric Cooperative kada araw.
Ito
ang nabatid mula sa nasabing kooperatiba matapos na may 180megawatts na load
deficiency ang Mindanao matapos na
magpatupad ng shutdown ang Pulangi hydro electric Power Plant simula kahapon
kaugnay sa isinasagawa nilang preventive maintenance.
Kaugnay
nito, bagama’t may bagong schedule na ipinalabas ang cotelco ngayong araw aasahan
pa rin ang pabago-bagong rotational brown-out sa mga service area nila.
Sa
ngayon nasa 15.4 megawatts na lamang ang sinusupply ng NGCP sa cotelco mula sa
dating 22.2 megawatts na naging dahilan ng mas mahabang power interruption.
9am-1pm=m4,
F11, F13
10am-2pm=F12,
M2
1pm-5pm=M6,M7,M3,M5
5pm-7:30pm=M3,M4
6pm-8:30pm=F12,
M2
7:30pm-10pm=M6,M7,M5,
F11,F12. (RB ng Bayan)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento