(Kabacan, North Cotabato/April 20, 2012) ---Posibleng
matatapos na ang kalbaryo ng mga taga-North Cotabato patungkol sa problema sa
kuryente sa mga susunod na buwan.
Ito dahil maibabalik na ang kontrata ng
Cotabato Electric Cooperative o Cotelco na 28 megawatts mula sa NPC.
Ito ang sinabi ni Cotelco Spokesperson
Vincent Lore Baguio sa panayam ng DXVL- Radyo ng Bayan kungsaan bukod sa 28
megawatts ay magagamit na rin nila ang dagdag na 8 megawatts mula sa Therma
Marine Incorporated, isang private barge na pag-mamay-ari ng Abiotiz.
Ibigsabihin magiging normal na ang load
dispatch ng cotelco sa mga member consumers nito.
Sa kabila nito, tila nanggagalaiti na rin sa
galit ang ilang mga negosyante hindi lamang dito sa bayan ng Kabacan, kundi
maging sa buong probinsiya dahil sa napeperwisyo na rin ang kanilang negosyo
dahil sa abot pa rin sa anim hanggang pitong oras na power interruption ang
nararanasan sa mga service area ng Cotelco, simula kahapon.
Sinabi ni Baguio, na nagsisimula ang brownout alas-7:00 ng umaga hanggang
alas-12:45 ng hapon at muli itong ipinatutupad alas-5:00 ng hapon hanggang
alas-10:00 ng gabi.
Kahapon,
abot sa mahigit sa walong oras ang brown-out na nararanasan sa ilang service
area ng cotelco partikular na ditto sa bayan ng Kabacan na bagay namang,
ikinagalit sa ilang mga member consumers.
Sa panig naman ng USM hospital abot sa 16 na
litro ng gasolina sa isang oras lamang na operasyon nila ang kanilang ginagasta
bilang pantustos sa generator para lang tuloy-tuloy ang serbisyo ng nasabing
hospital.
Ayon sa pamunuan ng nasabing hospital lugi
na sila sa napakahabang power interruption na nararanasan sa bahaging ito ng
Mindanao. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento