(Kabacan, North Cotabato/April 16, 2012) ---Itinampok
ang “Kuntaw Silat”, isang Maguindanaoan
tradisyunal Martial Arts na ginagamit ng mga sinaunang katutubo sa kanilang
self defense, sa 2nd Gov. Lala Mendoza Summer Peace Kids Camp sa
bayan ng Kabacan.
Ayon kay Executive Director for Moro
People’s Community Organization for Reform and Empowerment Zaynab Ampatuan, ang
Kuntaw Silat ay isang Chinese Martial arts na dinala dito sa Mindanao ng mga
Indonesian at ipinakilala sa mga katutubong Maguindanaon at Tausog.
Bukod sa Kuntaw, nais din ng grupo na
ipakilala sa mga bata ang mga katutubong sayaw, awit at iba pang mga cultural
practices para malaman ang pinagmulan ng bawat isa.
Sinabi pa ni Ampatuan na ang nasabing
hakbang ay isang perpektong paraan upang mapag-isa ang mga grupo ng Muslim,
Kristiano at Lumad.
Ang presentasyon ng Kuntaw Silat ay
isinagawa sa Peace Museum ng Kabacan Pilot Elementary School nitong Biyernes ng
hapon, kungsaan naka-display din doon ang iba’t-ibang mga cultural custom at
ipinapakita rin ang kasaysayan kung papaanu ang naging magandang samahan ng mga
Indigeous People at Islamizes group.
Ipinapaliwanag din ng grupo sa mga kabataan
na iisa ang ninunong pinagmulan, ito ay ang magkapatid na Tabunaway at Mamalo,
dito rin ipinaintindi sa kanila kung paanu ang magandang samahan ng mga
indigenous people sa probinsiya ng North Cotabato.
Maliban dito, ikinuwento rin sa kanila ang
kasaysayan ng Kabacan, kung paanu ini-welcome ng mga Maguindanaoan partikular
ng mga Mantawil Family ang mga Ilokano na mula sa Luzon kabilang na dito ang
mga Igorot na buhat din sa nasabing lugar.
Ang tatlong araw na Summer Peace Kids Camp
ay nagtapos nitong Sabado na nilahukan ng abot sa mahigit sa isang libu at apat
na daang mga grade five pupils buhat sa iba’t-ibang mga paaralang elementarya sa
bayan ng Kabacan na isinagawa sa Pilot Elementary School.
Layon nito na hubugin ang mga kabataan na
maging responsableng mamamayan sa lipunang kanilang ginagalawan kungsaan
inihahanda ang mga ito sa leadership, maging malinis sa kapaligiran at ang
pagtulong sa oras ng sakuna.
Sa bayan ng Kabacan ang napiling tema ng 2nd
Gov. Lala Talino Mendoza Summer Peace Kids Camp ang “Let the children laugh,
let the children lead, let the children build their future” gawa ng isang
estudyante mula sa Sanggadong elementary School. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento