(Kabacan,
North Cotabato/April 16, 2012) ---Daan-daang mga militanteng kabataan at progresibong
mga organisasyon ang inaasahang lalahok
ngayong araw sa LAKBAYAN 2012, isang Mindanao-wide caravan patungong Zamboanga
city para sa isang malawak na mobilisasyon para sa nakatakdang pagdating ng mga
karagdagang amerikanong sundalo sa bansa.
Humigit-kumulang
4,000 na amerikanong sundalo ang aasahang darating sa isla ng Mindanao ngayong
ika-16 hanggang 28 nitong buwan.
Ayon
sa grupong PATRIOTIKO MINDANAO ito diumano ang kauna-unahang multilateral
balikatan exercises na gaganapin sa bansa at isang Special Operations Forces
(SOF) Exercises ang isasagawa naman sa mga bayan ng Zamboanga, Jolo at Basilan.
Ang
PATRIOTIKO MINDANAO ay isang malawak na koalisyon ng mga mamamayan at alyansa
ng mga patriyotikong grupo at indibidwal na mahigpit na tumututol sa
interbensyong estados unidos at dayuhang monopolyo sa Mindanao at sa bansa
bilang kabuuan.
Kabilang
sa mga lalahok na bansa ang Australia, Indonesia, Japan, Malaysia, Singapore,
Vietnam at South Korea.
Kaugnay
nito, isang sending-off activity ang ilulunsad ng mga progresibong grupo sa
lungsod ng kidapawan kugnay sa nasabing usapin.
Isang
seremonyal na programa ang isasagawa ng mga grupo alas-onse ng umaga sa ilalim
ng overpass bilang pagsalubong sa mga delegadong manggagaling sa lungsod ng
Dabaw at pagkatapos nito ay dideretso ang mga grupo sa lungsod ng Cotabato para
sa isang programa sa City plaza at gabi ng palabas pangkultura na gaganapin sa
Cotabato City State Polytechnic College-gymnasium.
WE
LOVE MINDANAO, U.S. Troops OUT NOW! ang tema ng nasabing caravan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento