Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kaso ng dengue sa bayan ng Kabacan , mas bumaba ngayong taon

(Kabacan, North Cotabato/April 18, 2012) ---Bumaba ang kaso ng dengue sa bayan ng Kabacan sa batay sa kapareho ding quarter ng nakaraang taon.


Ito batay sa ipinalabas na data ni Disease Surveillance Coordinator/Health Emergency Management Coordinator Honey Joy Cabellon, base sa nasabing tala nakamonitor na lamang sila ng labin dalawang dengue cases mula buwan ng Enero hanggang Marso kumpara sa 16 na kaso ng nakaraang taon.

Pinakamataas pa rin na kaso ng dengue ang namonitor sa Poblacion.

Kabilang sa mga brgy na may kaso ng nsabing sakit ang Malanduage, Kayaga at Katidtuan.

Ikinagalak naman ni Dr. Sofronio Edu ang health officer ng bayan dahil sa naging epektibo ang kanilang kampanya kontra sa pagsugpo ng nasabing sakit.

Bukod sa dengue, mataas din kaso ng mga nagkakasakit ng influenza sa unang quarter ng taon.

Naireport din ang isang kaso ng rabies sa brgy Bannawag na ikinamatay ng may ari ng aso na nagkagat dito. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento