Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Suspek sa panghohold-up at pagpatay sa konduktor ng Weena Bus, kilala na ng mga otoridad


(Pikit, North Cotabato/April 17, 2012) ---Kilala na ng kapulisan ang ‘identity’ ng apat na mga lalaking suspek sa panghohold-up at pagpatay sa konduktor ng Weena Bus Aircon alas onse ng umaga nitong linggo.

Sinabi ni Police Senior Inpsector Elias Dandan-hepe ng Pikit PNP na positibong itinuro ng mga testigo ang nasabing mga suspek na di muna kinilala ni Dandan sa panayam at sinigurong inihahanda na ang kaso para sa mga ito.


Inamin naman ni Dandan na nananatiling malaking hamon para sa mga kumpanya ng bus ang pagpapasunod sa kanilang mga driver at konduktor sa polisiyang hindi pagpapasakay ng pasero sa ‘national highway’.

Nabatid na abot sa labin-anim na libong pisong koleksyon ang nasamsam ng mga suspek matapos itong pasakayin sa highway ng Fort Pikit, bagay na labag sa polisiyang pagbabawal na mag-pick up ng pasahero sa national highway.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento