(Kabacan, North Cotabato/April 18,
2012) ---Abot sa 15megawatts na lamang umano ang supply ng kuryente na ibinigay
sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa cotelco dahilan kung
bakit aabot sa anim na oras ang rotational brown-out sa mga service are ng
cotelco simula ngayong araw.
Ito ayon kay Cotabato Electric Cooperative
Spokesperson Vincent Lore Baguio mula sa dating 35 ay ibinaba na sa 15 megawatts
ang supply ng kuryente, ito dahil sa ipinatupad na simula kahapon ang
preventive maintenance ng Pulangi Hydro Power Plant-4.
Kaugnay nito, dismayado ngayon ang
ilang mga negosyante partikular na ang nangangailangan ng kuryente para sa pagpapatakbo
ng kanilang negosyo hindi lamang dito sa Kabacan kundi maging sa buong
probinsiya ng North Cotabato.
Ilan sa mga ito ay gumagamit na
ngayon ng generator maging ang ilang mga radio sations sa North cotabato para
magpapatuloy ang serbisyo sa publiko.
Dahil dito, walang umanong konkreto
at malinaw na sagot ang Pangulong Aquino sa mga tanong ng mga Mindanao
legislators at LGU officials kung bakit tumitindi ang krisis sa kuryente sa
rehiyon. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento