(Midsayap, North
Cotabato/April 18, 2012) ---Nakatakdang gawin bukas ng umaga sa Notre Dame of
Midsayap College Bulwagang Genoveva Deles Jaranilla ang awarding ceremony
kaugnay sa ika- 34 na taong anibersaryo ng National Irrigation Administration o
NIA Region XII kung saan pararangalan ang mga irrigators associations at NIA
employees mula sa buong Soccsksargen region na nagpakita ng kahusayan sa
nakaraang taon.
Pararangalan bilang Most
Outstanding Irrigators Association (communal irrigation systems category) ang Bulacanon
Irrigators Association, Inc. ng Bulacanon, Makilala, North Cotabato at Napal-Conel
Road Irrigators Association, Inc. sa General Santos City bilang Most
Outstanding Irrigators Association sa ilalim ng national irrigation systems
category.
Igagawad rin kay
Engr. C’zar M. Sulaik ng North Cotabato ang Most Outstanding Irrigation
Management Office Manager at si Engr Gina L. Lozano ng Sarangani bilang Most
Outstanding Operation and Management Chief.
Tatanggap din ng
pagkilala si Libungan River Irrigation System Irrigation Superintendent Engr.
Edna Bantala, ang LIBRIS Division 6 Irrigators Association na kakatawanin ng
Presidente nitong si Dante Cudal kasama ang iba pang national at communal
irrigation systems hindi lamang mula sa North Cotabato ngunit sa buong
Soccsksargen sa kabuuan.
Samantala, gagawaran
ng special award ang dati nang hall of famer na Buluan- Pigcawayan Irrigators
Association dahil sa mahusay na performance nito.
Panauhing pandangal
sa awarding ceremony si NIA Administrator Engr. Antonio Nangel. Inaasahan naman
ang pagdalo ni North Cotabato First District Rep. Jesus Sacdalan, DA XII Regional
Director Amalia Datukan at ng mga opisyal ng iba’t- ibang local government
units.
Tema ng selebrasyong
ngayong taon ay “Samahang NIA, IA at LGU: Patuloy na pagtibayin upang makamtan
sapat na pagkain ng pamayanan.” (Roderick
Bautista with report from Evelyn Bragasin/ PRO- NIA XII).
0 comments:
Mag-post ng isang Komento