Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

RP-US Balikatan Exercises palabas lamang daw –ayon sa progresibong grupo sa North Cotabato

(Kidapawan City/April 17, 2012) ---Duda ang karapatan, isang progresibong grupo, na ang pagpapadala ng US government ng dagdag na mga sundalo nila sa Pilipinas ay para warningan ang Chinese government na iwasan na nito ang pagpasok sa Scarborough Shoal na nasa teritoryo ng Pilipinas.

         
Ang RP-US Balikatan exercises ay palabas lamang daw, ayon kay Ariel Casilao, secretary-general ng Karapatan.

         
Tutol ang Karapatan at iba pang mga progresibong grupo sa presensiya ng mga sundalong Kano, simula nang aprubahan noong 2002 ang Visiting Forces Agreement o VFA.
         
SA PANIG ng Armed Forces of the Philippines, sinabi ni Col. Leopoldo Galon, group commander ng Civil Relations Services ng AFP-Eastern Mindanao, na malaki ang maitutulong ng mga sundalong Kano sa maraming bagay.
         
Una, magsasagawa ang mga Kano ng medical mission sa mahihirap na mga lugar sa Mindanao; pangalawa, tutulong din sila sa konstruksyon ng mga tulay, kalsada, at iba pang mga istruktura; at pangatlo, sasanayin nila sa markmaship ang mga sundalong Pinoy.
         
Ayon kay Galon, walang buti’ng idudulot ang pagtutol ng grupo’ng Karapatan at iba pang militang organisasyon sa nagpapatuloy na RP-US Balikatan exercises.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento