(Midsayap, North
Cotabato/April 16, 2012) ---Gaganapin bukas ang kauna- unahang cash- out sa mga
benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino
Program o 4Ps sa Midsayap, North Cotabato.
Sa tala ng
Department of Social Welfare and Development o DSWD, abot sa 1015 benepisyaryo ng
4Ps ang makakatanggap ng cash assistance mula sa gobyerno bukas.
Ayon kay DSWD Municipal
Link John Karlo Ballentes, ito na ang pinakahihintay na araw ng mga 4Ps
beneficiaries dahil mapapasakamay na nila ang inaasahang tulong pinansiyal mula
sa pamahalaan.
Sa Midsayap, abot sa
6910 ang kabuuang bilang ng mga benepisyaryo ng 4Ps. Kabilang sa unang batch ng
barangay na makakatanggap ng cash out bukas ay ang Poblacion 1-8, Sadaan, Villarica, Kiwanan,
Upper Bulanan, Central Bulanan Kimagango at Malamote.
Ang ibang mga
barangay ay sa mga susunod na araw ang schedule ng cash out. Sumula April 17
hanggang April 27 ng taong kasalukuyan ang opiyal na mga raw ng cash out para
sa iba pang mga barangay sa Midsayap na sakop ng 4Ps.
Ang Midsayap ay isa
sa mga bagong areas ng 4Ps sa lalawigan ng North Cotabato.
Dagdag ni Ballentes,
layon ng 4Ps na tugunan ang pangangailangan ng isang mahirap na pamiyang
Pilipino partikular sa aspeto ng kalusugan, edukasyon at wastong nutrisyon para
sa mga batang edad 0- 14 taong gulang.
Matatandaang ibinase
ang pagpili ng mga 4Ps beneficiaries sa resulta ng isinagawang National
Household Targeting System on Poverty Reduction. (Roderick Bautista)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento