(Aleosan,
North Cotabato/April 16, 2012) ---Pinaniniwalaang mga kasapi ng Moro Islamic
Liberation Front (MILF) ang apat katao na itinuturong nasa likod ng pagpapasabog
ng granada noong Sabado sa bayan ng Aleosan, North Cotabato.
Dalawa
sa kanila kilala na raw ng pulisya, ayon kay Sr. Supt. Cornelio Salinas, ang
provincial director ng North Cotabato PNP. Gayunman, tumanggi si Salinas
kilalanin ang mga ito habang hindi pa naisasampa ang kaso kontra sa kanila.
Target
umano ng grenade attack si Quilos Manalinding, kagawad ng isang barangay sa
bayan ng Aleosan at isa sa mga mataas na opisyal ng Moro National Liberation
Front (MNLF) sa North Cotabato.
Awayan
sa lupa at personal grudge ang sinasabing motibo sa grenade attack, ayon kay
Salinas. Nag-umpisa raw ito noong patayin ang misis ng isang MILF commander sa
bayan ng Midsayap, kamakaylan.
Grupo
umano ni Manalinding ang sinasabing sangkot sa naturang krimen.
At
noon nga’ng Sabado, nang makumpirma na sa Barangay Lawili sa Aleosan nagtatago
ang kanilang target, pinasok ito ng mga suspect.
Pinasabugan
nila ng granada ang sabungan kung saan naroroon si Manalinding, ayon sa report.
Naniniwala
si Salinas na kahit sangkot sa naturang grenade attack ang mga kasapi ng MILF
at MNLF, ‘di naman raw ito awayan ng kanilang organisasyon.
Sa
paghagis ng granada na naganap alas-135 ng hapon, noong Sabado, tatlo ang
nasawi, habang 33 ang sugatan sa naturang pagsabog, kabilang na rito si
Manalinding.
Kinilala
ang mga nasawi na sina Fermin Caloquin, Vicente Sabando, at Jose Mario
dela Pena.
Sugatan
naman sina Manalinding, 57; Elizardo Pastolero, 40; Felix Palag, 57; Benito
Cabangisan, 59; Hermie Canaway, 21; Remie Sabando, 22; Domingo Cabaluna, 46;
Silvestre Bernadio, 41; Jobert dela Pena, 44; Primo Claro, 50; Tito
Cagbay, 31; Modesto Barte, 36; Romeo Camancho, 38; Joey Camino, 27; Ronald
Calaor, 30; Rodel Salares, 22; Antonio Aquita, 44; Loperto dela Pena, 19;
William Estrellado, 53; Renanto Magsipoc; Vicente Saga, 44; Joseph Antonio, 24;
Rex Cabalfin, 31; Mamero Cansancio, 36; George Cansancio, 33; Victor Caballero,
26; Glen Tahad, 31; Jonas Salupiza, 36; Jimmy Osorio, 36; Bernardo
Caingcoy, 38; Inicito Quinones, 63; Hononcio Banisio, 50; at Lazaro Pastolero,
38.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento