Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

44-anyos na lalaki nadagdag sa mga nasawi sa “grenade blast” sa Aleosan, North Cotabato

(Aleosan, North Cotabato/April 19, 2012) ---Sumampa na sa apat ang nasawi sa pagsabog ng granada sa isang sabungan sa bayan ng Aleosan, North Cotabato, nitong hapon ng Sabado.


Ito ang sinabi sa DXVL – Radyo ng Bayan ni Aleosan Mayor Loreto Cabaya makaraang binawian ng buhay si Silvestre Barnadio, 44-anyos at residente ng New Leon ng nabanggit na bayan.

Si Barnadio ay namatay habang ginagamot sa Cotabato Provincial Hospital dahil sa matinding tama nito sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Kung matatandaan, patay din sa nasabing pagsabog sina Fermin Caloguen, Vicente Sabando at Mario Jose Delapena ng inihagis ang granada sa gitna ng sabungan sa Sitio Lapu-Lapu,Barangay Lawili sa nabanggit na bayan habang 32 naman ang nalalabing sugatan.

Nabatid sa report na, naisampa na rin ng North Cotabato PNP ang kasong multiple murder at multiple frustrated murder laban sa apat na miembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na isinangkot sa naturang pangyayari.

Target ng mga suspek si Brgy Kagawad Quilos Manalinding na isang mataas rin na opisyal ng Moro National Liberation Front (MNLF) na mortal na kaaway ni Kumander Tarzan ng MILF. (Rhoderick Benez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento