Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Suspek na may kasong frustrated homicide; boluntaryong sumuko sa Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/April 18, 2012) ---Boluntaryong sumuko kahapon sa himpilan ng pulisya ang isang 44-anyos na lalaki matapos ang mahigit sa limang taon nitong pagtatago sa batas.


Kinilala ng Kabacan PNP ang suspetsado na si Eddie Camilosa, may asawa at residente ng Lower Paatan, Kabacan, Cotabato na nahaharap sa kasong frustrated homicide sa sala ni Judge Laureano Alzate ng RTC branch 22.

Si Camilosa ay agad namang inaresto ng mga elemento ng Kabacan PNP at inilagay sa kanilang kustodiya batay na rin sa warrant of arrest na kanilang hawak na may case No. 08-181.

Samantala, isa ring suspetsado sa pagnanakaw ang naaresto ng mga otoridad sa Municipal compound ng Kabacan alas 8:15 kahapon ng umaga.

Nanguna sa pag-aresto sina SPO1 Kenneth Garbin at P02 Michael John Yambao kay Czar Ballo na resident eng Malatab, Antipas, Cotabato.

Si Ballo ay nahaharap sa kasong qualified theft na may crime case No. 12-23 batay sa warrant of arrest na inisyu ni Judge Laureano Alzate ng RTC Branch 22 na may petsang March 22, 2012.

Sa ngayon, kapwa nasa Kabacan lock-up cell ang dalawa para sa tamang disposasyon.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento